Friday, February 5, 2010
madness 101.
madness 101.
Analogy.
Parang siyang chocolate.
Favorite ko ang chocolate kaya nga lang may allergy ako dito, bawal ako kumain nito kaya pinipigilan ko ang sarili ko. Pero dahil nga favorite ko yun, may mga times na mamimiss ko ito at mapapakain akong muli nito. Tapos mag-aallergy nanaman ako. Titigil nanaman ako tapos kakain nanaman ako. Paulit-ulit lang.
Nasakin na yung pagkahilig ko sa chocolate eh. Sa tingin ko, hindi nayun mawawala o mahihiwalay sakin.
Gaya rin ng chocolate, hindi ako nabubusog dito. Oo nga, pinapasaya niya ako pero laging may kulang. I crave for more. I demand more.
kahalagahan.
Hindi ko na sila maintindihan. Siguro nga ganun talaga noh? Minsan, hindi mo na makikilala ang isang tao lalo na pag pinaghiwalay kayo ng tadhana. Iba na ang mga trip nila sa buhay, iba na ang mga trip mo. Iba na ang mga taong pumapaligid sa kanila, iba na ang iyo. Nakakalungkot na nagkalayo na kayo. Pero ganun talaga siguro ang buhay. Ang mahalaga naman ay kung mahalaga pa rin kayo sa isat isa.
ganun siguro talaga.
Ngayon na lang ako ulet nakapag blog. Masyadong haggard kase sa school. Besides, i have my diary naman at home. <:
Thursday, October 15, 2009
hoho. >:)
matagal tagal narin nung huli akong nag blog. binura ko na ung dati kong blog because of a certain reason na confidential talaga. ayoko na muli maalala. pinangako kong hindi na muli magbblog pa. pero kase, sa bawat pag blog-hop ko sa blog nina eka, lara atbp naming kabatch, tae, naiinggit talaga ako. gawd.
so.. eto na nga. i made a new one. alam kong hindi ako makakapag post dito palage dahil hindi ako pwede mag blog sa bahay. you know na. pero kahit na. gusto ko parin gumawa ng blog. haha. =))
walang gaanong kwento ang post nato. pero wala kasi akong magawa dito sa school. yep, hectic ang sched ko pero ewan ko ba, nakakahanap parin ako ng time para magsaya. gumawa narin si bella ng blog niya. yeepee. haha. boring kasi dito sa school kahit na maraming gagawin. and oh, we're waiting for ate, she's going home today from laguna. finals na ata kasi niya. so ung friday niyang uwi ay naging thur na. oh. i envy her. :(
ang dami ko pang dapat gawin. maaga ako natutulog before (body clock) pero ngayon, whew, gabi na talaga. nakakapagod talaga chaka nakakatamad na ang mag-aral. pero hindi ako dapat sumuko. >:)
stressed nako sa talumpati. pati sa english research. at dumagdag pa ang ibang requirements sa ibang subjects. damn. :(
sana matapos nato. last year nanamin sa high school so i want it to be memorable naman. hmm, wait. memorable pala ang talumpati. haha. ooh. kinakabahan nako for that. :((
till here muna. gotta go.